^

Bansa

Habambuhay na kulong sa mga smugglers isinulong sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na pamamayagpag ng smuggling sa bansa, isinulong na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong patawan ng habambuhay na pagkabilanggo ang mga smugglers.

Sa Senate Bill No. 456 na inihain ni Sen. Ralph Recto, nais nitong itaas ang parusa at gawing life imprisonment ang ipapataw sa mga smugglers na mapapatunayang nagpuslit sa bansa ng mga imported goods na may ha­lagang P1-milyon.

Ayon kay Recto malaking buwis ang nawawala sa gobyerno dahil sa problem sa smuggling.

Maituturing aniyang “grave offense” ang smuggling lalo na kung malaking halaga ng salapi ang pinag-uusa­pan.

Ipinunto rin ni Recto ang pinakahuling pahayag ng isang dating finance secretary na ang kabuuang “smuggled commodities” sa Pilipinas ay aabot na sa $20 bilyon o nasa P800 bilyon taun-taon.

Idinagdag din ni Recto na bukod sa nawawalang buwis sa gobyerno, nakakaantala din sa paglago ng ekonomiya ang talamak na smuggling.

 

AYON

DAHIL

IDINAGDAG

IPINUNTO

MAITUTURING

PILIPINAS

RALPH RECTO

SA SENATE BILL NO

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with