APEC meetings sa 2015 sa Misibis Bay gagawin
MANILA, Philippines - Sa marangyang Misibis Bay Resort sa Bacacay, Albay gaganapin ang una sa malalaking pulong ng Asia-Pacific Cooperation (APEC) Leaders Summit na gagawin sa Pilipinas sa 2015.
Sa Albay gaganapin ang 10 sa maraming miÂting ng mga matataas na opisyal ng APEC, matapos matagumpay nitong mapanalunan ang hosting para sa naturang mga pulong na gagawin bago ang Summit ng mga APEC leaders sa Nobyembre 2015.
Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, ang unang pulong sa Misibis Bay Resort ay ang Informal Senior Ministerial Meeting sa Disyembre 4-5, 2014. Ang Misibis na isang mala-paraisong isla sa dagat Pacifico ay lalong nakilala dahil sa popular na TV series na may ganoon ding titulo.
Sinabi ni Salceda na ang unang Informal Ministerial Meeting ay dadaluhan ng 300 ministers, deputy miÂnisters at iba pang matataas na opisyal ng 21 bansang kasapi sa APEC, bukod pa sa mga kinatawan ng world media na ku-cover nito. Ang Boracay at Bacolod ay alternate meeting sites.
Kasama sa 21 bansang kasapi ng APEC ang Australia, Brunei, Canada, Chile, China, Hong Kong, Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea, Peru, Pilipinas, Russia, Singapore, Taiwan, Thailand, US and Vietnam. Unang nag-host ang Pilipinas ng APEC Summit noong 1996.
- Latest