3,000 pamilya apektado ng oil spill… fishing ban sa Cavite
MANILA, Philippines - Nagpatupad ng fishing ban at shellfish ban ang pamunuan ng National Disaster Risk Reduction and Mangement Council (NDRRMC) sa mga lugar at bayan na apektado ng oil spill sa karagatan ng Cavite.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario, umaabot na sa 3,000 pamilya ang apektado ng oil spill sa karagatan ng Rosario, Cavite at kumalat na rin sa mga karatig na bayan ng Naic, Tanza at Ternate. Sinasabing unti-unti na ring gumagapang ang langis patungo sa Corregidor Island.
Sinabi ni del Rosario, 31 barangay sa mga baÂyan ng Rosario, Tanza at Naic ang apektado ng oil spill na tumagas mula sa M/T Makisig, ang contractor ng Petron Corporation matapos na mag-load ng langis sa terminal nito sa nasabing bayan.
Sa kasalukuyan, ayon kay del Rosario ay patuÂloy nilang mino-monitor ang sitwasyon ng oil spill kaugnay ng matinding epekto sa kabuhayan at kalusugan ng mga mamamayan partikular na sa coastal town ng Rosario, na pinakagrabeng naapektuhan.
Nasa 300 mangingisda sa bayan ng Rosario ang dumadaing ngayon matapos maapektuhan ng oil spill ang kanilang kabuhayan.
Inalerto na rin ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at ng mga Local GoÂvernment Units (LGUs) ang mga Brgy. Chairman upang hikayatin ang mga residente na tumulong sa pagtatanggal ng oil spill sa karagatan.
Ang Philippine Coast Guard (PCG) ay kumuha na rin ng fuel samples para isailalim sa pagsusuri ng Marine Environmental Laboratory kaugnay ng imbestigasyon sa pagtagas ng langis habang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay nagsasagawa nang masusing imbestigasyon hinggil sa lawak ng pinsala ng oil spill.
Sinasabing nasa 500,000 litro (132,000 gaÂlon) ng diesel fuel ang tumagas at kumalat sa karagatan. Maging ang mga corals ay apektado na rin ng oil spill.
Samantala, nagbabala na ang Department of Health (DOH) sa publiko na delikado sa kalusugan pagtampisaw at paglaÂngoy sa Manila bay, sa bahagi ng Rosario, Cavite dahil sa oil spill.
Ayon kay Dr. Eric TaÂyag, Assistant Secretary at hepe ng National Epidemiology Center ng DOH, mapanganib ang paglangoy sa lugar dahil sa posibilidad na makaiÂnom ng petroleum content ng tumapong langis sa tubig.
Maging ang skin contact o kapag naabsorb umano ng balat ang petroleum content ng laÂngis at malanghap ito ay delikado sa kalusugan.
- Latest