1.6- M tangay ng akyat-bahay
MANILA, Philippines - Natangay ang aabot sa P1.6 milyong halaga ng alahas at mahahalagang gamit sa bahay ng isang restaurant consulÂtant matapos na pasukin ng mga magnanakaw sa lungsod Quezon.
Ayon sa ulat, nadiskubre ni Salvador Olaguer, 33, ang pagnanakaw alas 9 ng gabi matapos na dumating sa kanilang bahay sa Barangay Central.
Ayon kay Insp. Alan dela Cruz hepe ng Quezon City Police District Theft and Robbery Section ang mga suspect ay nakapasok sa bahay ng biktima sa pamamagitan ng pagsira sa grills ng pintuan ng kusina.
Natangay sa biktima ang mga alahas na nagkakahalaga ng P1 million; isang Rolex watch (P200,000); apat na ladies’ wristwatches (P200,000); isang Louis Vuitton bag (P100,000); isang G-Shock watch worth P40,000; isang Kobe sneaker (P7,000); at isang Compact laptop.
Nadiskubre ni Olaguer ang pagnanakaw ganap na alas- 10:30 ng gabi nang siya at ang kanyang nanay ay makauwi na ng kanilang bahay matapos magpunta sa paaralan ng kanyang pamangkin.
Unang napuna ng biktima ang pintuan sa kuwarto ng kanyang nanay na bahagyang nakabukas at ang doorknob ay sira.
Dahil dito, agad niyang tinignan ang kanyang kuwarto at ang kuwarto ng kanyang nanay kung saan nabatid na ito ay ninakawan dahil nawawala na ang naturang mga items.
- Latest