^

Bansa

Colonel sa Atimonan rubout nawawala

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nawawala ang isang police colonel na sangkot sa Atimonan rubout na ikinasawi ng 13  katao sa checkpoint sa Atimonan, Quezon noong Enero 6, 2013.

Kinilala ni PNP-Public Information Office Chief P/Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac ang missing na opisyal na si P/Sr. Supt. Ramon Balauag, da­ting hepe ng Police Intelligence Branch ng Quezon Police Provincial Police Office (PPO).

Ayon kay Sindac, si Balauag ay idineklarang AWOL (Absent Without Official Leave) mula pa nitong Hulyo 8 matapos ilang beses na mabigong mag-report sa kaniyang unit sa Administrative Resource Management Division sa Headquarters Support Service (HSS) sa Camp Crame.

Bunga nito, ipinag-utos ni HSS Director P/Chief Supt. Samuel Yordan na imbestigahan ang pagkawala ni Balauag bilang basehan ng summary dismissal proceedings laban dito.

Sabi ni Sindac, nabigong mahanap si Balauan sa address nito sa Quezon City. Hindi rin nakadalo ang opisyal noong Agosto 5 sa pagdinig ng PNP Internal Affairs Service sa kaso nitong administratibo o grave misconduct.

Si Balauag ay kabilang sa 21 pulis na sangkot sa Atimonan encounter na isinailalim sa restrictive custody noong Enero 23 dahil sa pumalpak na checkpoint na pinamunuan ni Sr. Supt. Hansel Marantan.

ABSENT WITHOUT OFFICIAL LEAVE

ADMINISTRATIVE RESOURCE MANAGEMENT DIVISION

ATIMONAN

BALAUAG

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

ENERO

HANSEL MARANTAN

HEADQUARTERS SUPPORT SERVICE

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with