^

Bansa

Suspects sa Cotabato blast tukoy na - PNoy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tukoy na ang mga suspect sa naganap na pagsabog sa Cotabato City na ikinasawi ng siyam at ikinasugat ng 30 katao.

Sinabi ni Pangulong Aquino na kabilang sa mga anggulong sinisilip ang pulitika at pagtutol sa peace talks ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa kasalukuyan, may grupo na umanong tini­tingnan ang mga awtoridad na nasa likod ng pambobomba pero tumanggi munang tukuyin ito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Ayon sa post blast investigators, posibleng ammonium nitrate na may fuel content ang ginamit na Improvised Explosive Device (IED) na itinanim sa nakaparadang multicab na nagresulta sa pagkasunog ng pitong bahay sa gilid ng daan malapit sa crime scene.

Tila inabsuwelto naman ng Pangulo ang  grupong al-Qaeda sa Cotabato bombing.

Duda siyang terorismo ang motibo rito.

Ayon sa Pangulo, walang siyang nakikitang indikasyon na may kaugnayan ito sa banta ng al-Qaeda.

Ipinangako naman ni PNoy na tutugisin ang mga salarin, Pinag-aaralan din kung kailangang magdeklara ng state of emergency sa Cotabato.

‘Bomb-for-hire’

Iniimbestigahan na rin ngayon ng PNP ang modus operandi ng “bomb for hire” bilang isa sa mga anggulo.

Ayon kay PNP-Public Information Office (PIO) Chief P/Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, malaki ang posibilidad na gumamit ng “bomb for hire” ang mga nasa likod ng pagpapasabog  sa lungsod kung saan posibleng isa rin sa target si  City Administrator Atty. Cynthia Guiani -Sayadi na isa sa mga nasugatan sa insidente.

Ayon sa opisyal, maa­ring gumamit ang mga suspek ng bomb for hire modus operandi na ang target ay ang naturang city administrator na nakatanggap ng dalawa hanggang tatlong death threats.

Idinagdag pa nito na posibleng alam ng mga suspek na bullet proof vehicle ang gamit ni Guiani-Sayadi kaya malakas na bomba ang ginamit ng mga ito sa pagpapasabog.

Magugunita na ang bomb for hire ay dati ng ginamit kay Maguindanao Governor Toto Mangudadatu nang magpasabog ng bomba sa national highway ng Sultan Kudarat  na itinaon sa pagdaan ng 7 vehicle convoy nito sa Tacurong City noong 2011 na ikinasawi ng dalawa katao at anim ang sugatan. 

Samantala, nasa alert status na ang lahat ng security personnel sa NAIA. Inutos na ni Manila International Airport Authority Assistant General Manager for Security and Emergency Services Salvador Penaflor na higpitan ang inspeksyon sa lahat ng in-coming passengers kabilang dito ang mga dala nilang bagahe kasunod ng terror war­ning ng Amerika laban sa paghahasik ng al-Qaeda.

Pinalakas na rin ang intelligence monitoring upang mapigilan ang spillover ng pambobomba sa Mindanao sa Metro Manila. (May ulat nina Butch Quejada at Joy Cantos)

AYON

BUTCH QUEJADA

CHIEF P

CITY ADMINISTRATOR ATTY

COTABATO

COTABATO CITY

QAEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with