^

Bansa

Suhulan sa bidding tutuldukan ng APO

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinasinungalingan ng APO Production Unit, Inc. ng Presidential Communications Ope­rations Office (PCOO) ang mga alegasyon ng katiwalian kaugnay sa bidding para sa mga makinang pang-im­prenta na ibinabato umano ng isang losing bidder gamit ang mga “insiders” sa naturang tanggapan.

Sa isang press statement, binigyang-diin ng APO na ang alegasyon ay bunsod ng mahigpit na repormang ipinatutupad ng pamahalaan sa mga pinapasok na kontrata para maputol na ang mga suhulan na karaniwang ginagawa noong araw.

Ang mga printing machines ay para sa binabalak na expansion at modernization ng APO na siyang opisyal na taga-imprenta ng pamahalaan ng mga security and accountable forms. Pinasinungalingan ng naturang ahensya ang mga paratang na may mga opisyal na gustong mangumisyon sa naturang transaksyon.

Ayon pa sa ahensya, sa matagal na panahon ay maraming grupo ng mga printers at suppliers na nahirati  sa pagkopo ng mga kontrata ng pamahalaan. Kung hindi makuha ang kontrata sa tamang paraan, maglalabas ang mga ito  ng “white paper” bago sumapit ang araw ng bidding, at pag natalo ay kukuha ng abogado  para kuwestyunin ang naturang proseso.

Ang APO Pro­duction Unit ay isang ahensiya ng pamahalaan na  walang tinatanggap na pondo o tulong mula sa gobyerno.

 

APO

AYON

NATURANG

PAMAHALAAN

PINASINUNGALINGAN

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPE

PRODUCTION UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with