MANILA, Philippines - Nilulutong gawing official identification ang PhilHealth card, ito’y sa gitna ng panukalang buhayin ang National ID system.
Ayon kay Senator Ralph Recto, simula pa noong 1995 ay maitutuÂring ng ‘de facto’ national ID ang PhilHealth card.
Base na rin umano ito sa Republic Act 7875 o ang National Heath InsuÂrance Act of 1995.
Maliwanag aniya sa batas na dapat ay universal at compulsory ang coverage ng mga Filipino sa isang national health insurance system kaya dapat lahat ng Filipino ay mayroon na ring PhilHealth card.
Sa sandali aniyang ma-enroll ang isang miyembro binibigyan ito ng isang “Health InsuÂrance ID Card†na ayon sa PhilHealth ay para ma-identify ito bilang miÂyembro.
Nakapaloob na rin umano sa data ng isang miyembro ang mahahalagang detalye tungkol sa kanya pati na ang kanyang address.
“Under the said law, when a member transfers residence, he must inform PhilHealth of his new address, thus meeting the monitoring requirements of an ideal national ID,â€sabi ni Recto.
Sa ngayon halos 100 porsiyento na umano ng mga Pinoy ay miyembro na ng PhilHealth.
Una nang inihain ni Albay Rep. Al Francis Bichara ang House Bill 11 o ang Filipino Identification Card na magsisilbing official ID ng mga Pilipino na naninirahan sa loob at labas ng bansa at magagamit sa public at private transactions.
Upang mawala ang mga pangambang pang-aabuso o magagamit ang nasabing ID upang labagin ang karapatan ng bawat indibidwal ay sisiguruhin ng panukala na ang anumang impormasyon sa ilalim ng system ay hindi makukuha ng third party o ikatlong partido.
Kinukunsidera namang pribilehiyo ang impormasyong nakalagay sa sistema at hindi maaaring gamiting ebidensiya sa anumang criminal proceedings laban sa may-ari ng ID.
Nakapaloob pa sa panukala ni Bichara na magkakaroon ng 10 taong validity period ang ID na maaaring i-renew pagkatapos
Gagawing libre ang aplikasyon at pag-isyu ng Filipino ID subalit may bayad na ito sa susunod na renewal. (Dagdag ulat ni Gemma Garcia)