MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas si PNP Chief Director General Alan Purisima kung bakit sa loob lamang ng 12 oras ay agad na nilinis ng mga pulis sa Cagayan de Oro City ang crime scene kaugnay ng naganap na pagsabog sa isang bistro bar dito noong Hulyo 26.
“ I am not OK with that. Maybe for them it’s OK. But like right now, we can’t review the scene anymore. Where can you find a crime scene cleaned up within 12 hours after the occurrence of a big blast?,†pahayag ni Roxas.
Dahil dito, ipababago ni Roxas ang reglamento o patakaran sa PNP na ipreserba at huwag munang galawin ang crime scene sa loob ng 24 oras.
Nairita si Roxas matapos na magtungo sa Cagayan de Oro City ay malinis na ang blast site sa Kyla’s Bistro Bar sa Limkethai Center sa Rosario Arcade ng lungsod ilang oras matapos ang pagsabog. Walo katao ang nasawi sa insidente.
Noong Martes ay una nang sinabi ni Purisima na nakuha na ng mga imbestigador ang lahat ng ebidensya sa blast site at hindi na makakaapekÂto sa imÂbestigasyon kung nalinis man ang blast site.
Idinagdag pa nito na dapat malinis ang crime scene upang hindi na ikatuwa pa ng nasa likod ng terror attack ang bunga ng paghahasik ng mga ito ng terorismo. Pero iginiit ni Roxas na kailangang maipakita ito ng paulit-ulit sa telebisyon.
“He should explain to me what he had said,†ani Roxas na sinabi pang ang pinaka importanteng traÂÂbaho ng mga pulis ay ang mag-imbestiga.
Nang matanong namang muli si Purisima ay nanindigan ito sa kaniyang mga tauhan sa pagsasabing naiproseso na ng mga imbestigador sa ‘forensic evidence’ ang blast site.
Sabi pa ni Purisima, ang mga nag-proseso at ang mga imbestigador na ang magpapaliwanag sa Kalihim sa paglilinis sa crime scene at iginiit na walang masama sa naging aksyon ng Cagayan de Oro City Police.