^

Bansa

Ex-mayor, 4 pa kakasuhan ng Writ of Kalikasan sa SC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasong katiwalian ang nakatakdang isampa sa tanggapan ng Ombudsman at Writ of Kalikasan case sa Korte Suprema ang ihahain laban kay dating­ Parañaque Mayor Florencio Bernabe Jr. at mga showbiz councilors na sina Alma Moreno, Jason­ Webb, Val Sotto at Roselle Nava dahil umano sa kuwestiyonableng pag-aapruba ng mga ito sa reclamation ng mahigit sa 100 ektaryang lupain sa Manila­ Bay.

Partikular na kinukuwestiyon ng mga environmental groups ang Resolution No. 13-026 na ipinasa ng konseho ng Parañaque na nagbibigay kapangyarihan kay Bernabe para pumasok sa isang Joint Venture Agreement sa AVESCO Marketing­ Corporation tungo sa reclamation ng 111.755 ektar­yang lupain sa Manila Bay. Nanganganib umano na masira ang kalikasan sa oras na maisulong ang proyekto sa AVESCO dahil sa nasabing recla­mation project.

Ang kasong kriminal naman sa Ombudsman, ay paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa umano’y pag-abuso ng mga nasabing opis­yal sa kanilang tungkulin para maagrabyado ang pamahalaan dahil sa naturang kasunduan na magdadala ng panganib sa mga residente ng Parañaque­.

Ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamama­lakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) ang nangungunang environmental group ang nauna ng naghain ng pagtutol sa mga reclamation projects sa Manila Bay.

ALMA MORENO

ANG PAMBANSANG LAKAS

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

JOINT VENTURE AGREEMENT

KILUSANG MAMAMA

KORTE SUPREMA

MANILA BAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with