‘Jolina’ lumabas na

MANILA, Philippines - Lumabas na ng bansa ang bagyong Jolina pero may isa pang low pressure area na nagbabanta sa bansa.

Ang LPA ay namataan kahapon ng Pagasa sa layong 210 kilometro silangan ng Virac, Cataduanes.

Kahapon alas-11 ng umaga, si Jolina ay nasa layong 450 kilometro kanluran ng Subic, Zambales taglay ang lakas ng hanging  65 kilometro malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 80 kilometro bawat oras at kumikilos sa bilis na 11 kilometro bawat oras.

Gabi ng Miyerkules, namataan pa si Jolina  sa layong 660 kilometro kanluran ng Subic, Zambales papalabas ng bansa.

Pinaiigting ni Jolina ang habagat kayat nakakaranas ng pag-uulan ang mga lugar ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan gayundin ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

May paminsan-minsang pag-uulan sa Metro Manila dulot ng thunderstorm.

Show comments