20 Pinoy stranded sa Malta, inabandona ng employer sa barko
MANILA, Philippines - May 20 tripulanteng Pinoy ang humihingi ng tulong sa pamahalaan matapos umano silang abandonahin ng kanilang employer lulan ng isang malaking barko sa Malta.
Tinitingnan na ng Departmen of Foreign Affairs (DFA) ang ulat hinggil sa pagkaka-stranded ng 20 Pinoy seaman kasama ang kanilang Pakistani captain na dalawang buwan na umanong pinabayaan ng kanilang shipping company.
Sa report ng isa sa mga Pinoy seaman na si Edgardo Hinobiagon na nakapanayam sa ABS-CBN, nagpapasaklolo na sila sa gobyerno dahil nauubusan na umano sila ng food at fuel supplies habang sakay ng cargo ship na A Ladybug sa karagatang sakop ng Malta.
Sinabi ni Hinobiagon na nasa peligro ang kanilang kalagayan dahil hindi makaalis ang kanilang barko at wala silang ilaw. Pinangangambahan din nila ang pagtama sa kanilang kinaroroonan ng masungit na panahon at posibilidad na mabangga sila ng ibang barko dahil sa kawalan ng power supply.
Ang mga Pinoy seaman at Pakistani ship captain na si Zafar Abbsi ay tatlong buwan na umanong hindi pinasusuweldo ng naluluging Taiwanese shipping company na umabandona sa kanila.
Ilan sa mga crew ay matatapos na ang kontrata sa nasabing Taiwan maritime corporation.
Humingi na rin ng tulong ang mga stranded seafarers sa InternatioÂnal Transport Federation at sa Maltese government para naman sa emergency fuel supplies.
- Latest