MANILA, Philippines - Maari nang tumanggap ng bagong mga mangÂgagawa sa Iraq.
Ito’y matapos na bawiin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang deployment ban para sa mga new hire workers.
Sa ilalim ng POEA Resolution No. 8-2013, iniutos ng POEA Governing Board ang muling pagproseso at pagpapadala ng mga baguhang Pilipinong manggagawa sa Iraq maliban sa mga lugar sa nasabing bansa na tinukoy bilang ‘no-go’ zone.
Hindi rin sakop ng resolusyon ang mga household service worker.
Kabilang naman sa mga tinukoy na ‘no-go’ zones kung saan hindi papayagan na makapagtrabaho ang mga Pilipino ay ang: Anbar Province; Ninewah o Nineveh ProÂvince; Kirkuk Province na kilala rin sa tawag na Tamim, Al Tamin at At-Tamin at Salahuddin o Salahaddin Province.
Nuong Marso, una nang binawi ng POEA ang deployment ban sa Iraq para sa mga returning OFWs maliban sa mga lugar na kasama sa ‘no-go’ zones.
Ang pinakahuling resolusyon ng POEA ay ipinalabas bunsod umano ng pagbalik sa normal ng lagay ng seguridad sa Iraq, bukod pa sa may mataas na demand para sa mga OFW sa nasabing bansa.
Matatandaan na ÂnoÂong 2007, sinuspinde ng POEA ang pagpapadala ng mga manggagawa sa Iraq dahil sa magulong sitwasyon ng seguridad duon.