Holdaper sa bus, muling nakalusot

MANILA, Philippines - Muli na namang sumalakay ang mga kilabot na holdaper makaraang biktimahin ang mga pasahero ng isang bus, kahapon ng madaling araw sa naturang lungsod.

Sa ulat, dakong ala-1 ng madaling araw nang magdeklara ng holdap ang apat na armadong suspek sa loob ng Malanday Metro Link bus na may body number 888 habang tinatahak ang Roxas Boulevard sa tapat ng World Trade Center.

Sinabi ng bus driver na si Reynaldo Regane, 39, isa sa mga suspek ang armado ng kalibre .45 na nagdeklara ng holdap at nagbanta na babarilin ang sinumang papalag.

Matagumpay na nalimas ng tatlong mga kasamahan nito na pawang armado naman ng patalim ang mga mahahalagang gamit at pera ng mga pasahero saka bumaba sa kanto ng Libertad Street malapit sa Cuneta Astrodome.

Nakarating naman ang bus sa Airport Police Detachment sa Ninoy Aquino International Airport na nagpayo na lamang sa kanila na dumulog sa Pasay City Police headquarters.

Show comments