^

Bansa

4,263 tinamaan ng dengue sa MM

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa kabuuang 4,263 dengue cases ang naitala sa National Capital Region mula Enero 1 hanggang Hulyo 20, 2013 na dito sampu ang iniulat na nasawi.

Ayon sa Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU), ito’y mas mababa ng 69% kumpara sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon kung kailan nakapagtala sila ng 13,918 dengue cases.

Ang Quezon City pa rin ang nangungunang nakapagtala ng pinakamaraming dengue cases na umaabot ng  1,046, sumunod ang Maynila na may 642 at Caloocan City na may 477.

Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang disinfection at anti-dengue spraying ng Department of Health-NCR kung saan ang pinakahuli ay ang  Quiapo Church sa Maynila, na dinadagsa ng maraming deboto at nagsisimba.

Hindi lamang aniya, lamok at tirahan nito ang pakay na ispreyan kungdi ang mga nagkalat na bakterya sa paligid na maaring mapagkunan ng mga sakit tulad ng ubo, sipon at influenza.

“The Quiapo Church is one of the biggest public area that attracts thousands of crowds daily from all walks of life and this is the first time that the DOH will provide anti-dengue spraying to protect devotees from mosquito bites,” ani Janairo.

Iniulat rin ng DOH-NCR na nakapag-disinfect at nakapag-spray na sila ng kabuuang 50 bus terminals sa Avenida at EDSA habang umaabot na sa kabuuang 12,470 households at 56 public at private schools ang naispreyan nila at na-disinfect sa buong Metro Manila.

 

ANG QUEZON CITY

AYON

CALOOCAN CITY

DEPARTMENT OF HEALTH

ENERO

MAYNILA

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

QUIAPO CHURCH

REGIONAL EPIDEMIOLOGY SURVEILLANCE UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with