^

Bansa

Shortlist para sa PJ ng Sandiganbayan isusumite na kay PNoy

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isusumite na ng Judicial and Bar Council kay Pa­ngulong Benigno Simeon Aquino III ang shortlist para sa posisyon ng Presiding Justice (PJ)  ng Sandiganbayan  matapos isagawa ang botohan kahapon, kung saan 5 nominado ang pumasok.

Inihayag ni Atty. Milagros Cayosa, regular member ng JBC, na kabilang sa mga nakapasok sa shortlist ay sina: Court of Appeals Justice Apolinario Bruselas na nakakuha ng anim na boto; Interior Undersecretary Rafael Antonio Santos na nakakuha rin ng anim boto; tig-limang boto naman ang nakuha nina Sandiganbayan Justices Amparo Tang at  Efren Dela Cruz, habang si Sandiganbayan Justice Gregory  Ong ay nakakuha naman ng apat na boto.

Sa ilalim ng batas, dapat ay makapagtalaga si Pangulong Aquino ng bagong mamumuno sa Sandiganbayan sa loob ng 90-araw mula nang magretiro si Presiding Justice Francisco Villaruz noong Hunyo 8, 2013.

Anim na mga miyembro ng JBC ang sumali sa botohan, kabilang na sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Justice Secretary Leila de Lima, Atty. Milagros Cayosa, Atty. Jose Mejia, Retired Court of Appeals Justice Aurora Santiago Lagman at Senador Coco Pimentel na umupo bilang kinatawan ng Kongreso.

Nabatid na unang ipinagpaliban ang botohan noong Hulyo 1 at kahapon lamang naituloy na nagbigay-daan umano sa bagong Kongreso na magtalaga kung sino sa kanila ang pauupuing kinatawan sa JBC.

BENIGNO SIMEON AQUINO

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

COURT OF APPEALS JUSTICE APOLINARIO BRUSELAS

EFREN DELA CRUZ

INTERIOR UNDERSECRETARY RAFAEL ANTONIO SANTOS

JOSE MEJIA

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

JUSTICE

JUSTICE SECRETARY LEILA

MILAGROS CAYOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with