^

Bansa

Bidding sa car plates pinasisilip

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinuwestyon ng mga bidder ang pagkakasama ng isang kumpanya sa bidding ng mga lisensiyadong plaka para sa mga sasakyan sa bansa.

Ang proyektong plaka sa mga sasakyan ay aabot sa 3.8 bilyong piso at hindi umano kayang i-finance ng Power Plates Development Concepts, Inc (PPDCI) na isa sa mga bidder.

Base umano sa dokumentong isinumite sa Security and Exchange Commission (SEC) at Bureau of Internal Revenues (BIR), ang kabuuang assets lamang ng kumpanya sa taong 2012 ay nasa P1,532,521 na hindi man lamang umabot sa ¼ ng kabuuang halaga ng proyekto.

Bagamat mayroong counter part na kumpan­ya sa Nertherlands na J.Knieriem B.V. Goes (JKG) ang PPDCI ay hindi pa rin umano sapat para i-finance ang programa sa plaka.

Napag-alaman din na sa bansang Netherlands ay hindi kalakihang kumpan­ya ang JKG at wala pang karanasan ukol sa usapin ng plaka.

Hindi rin naitago ang pagtataka ng ilan kung bakit tila hindi napuna ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang isang mahalagang requirements ng isang joint venture companies sa isang single largest contract na katumbas ng 25 porsyento ng kontratang katulad ng sa DOTC Car License Plates Bidding.

Aminado ang ilang taga-masid at bidders na sakaling mapunta sa naturang kumpanya ang proyekto ay pinangangambahan na hindi ito magtatagumpay lalo na’t may balitang nagkaroon na diumano ng paunang bigay ang kumpanya sa ilang opisyal ng DOTC at Land Transportation Office (LTO).

Maugong din ang usapan na ang kumpanyang PPDCI ay isa diumano sa mga dummy company na Stradcom na nauungkat sa ilang kontrobersya.

 

AMINADO

BUREAU OF INTERNAL REVENUES

CAR LICENSE PLATES BIDDING

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

KNIERIEM B

LAND TRANSPORTATION OFFICE

POWER PLATES DEVELOPMENT CONCEPTS

SECURITY AND EXCHANGE COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with