Pinoy nurse binaril sa US

MANILA, Philippines - Isang Pinoy nurse ang kinumpirmang nabaril at napatay sa harap ng kanyang apartment sa Estados Unidos.

Sa report ng Emba­hada ng Pilipinas sa Wa­shington D.C. sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang biktima na si Erano Santos, 33-anyos, tubong Angeles City, Pampanga.

Nabatid na napatay si Santos bunga ng tama ng bala matapos na barilin ng hindi pa kilalang salarin sa labas ng kanyang apartment sa Memphis, USA noong Hulyo 22 .

Ayon sa Embahada, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Memphis Police upang madakip ang responsable sa pamamaril sa nasabing Pinoy.

Base sa report, nakitang may kasagutan at kaaway si Santos na hindi kilalang lalaki at saka siya binaril at tinangay pa umano ang kanyang sasakyan sa labas ng kanyang tirahan.

Si Santos ay nag-migrate umano sa Estados Unidos noong nakalipas na taon at dating clinical ins­tructor sa College of Nursing ng Holy Angel University.

Tinutulungan na ng mga opisyales ng Embahada ang pamilya ng nasawing Pinoy.

 

Show comments