‘Necrophilia’ papatawan ng mabigat na parusa

MANILA, Philippines - Nais ng mag-inang sina dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo at Camarines Sur Rep. Dato Arroyo na magkaroon ng mabigat ng kaparusahan sa necrophilia o ang pakikipagtalik sa mga patay.

Sa inihaing House Bill 1375 ng mag-inang Arroyo, ay nais nilang mapanagot sa batas ang mga nanghahalay sa mga bangkay.

Sa kasalukuyang batas kasi ay danyos lamang ang maaaring hingin ng mga kaanak ng biktima.

Nakasaad sa panukala, ang sinumang mapapa­tunayang guilty sa necrophilia ay maaring mapatawan ng prison mayor o pagkabilanggo ng 6 hanggang 12 taon hanggang Reclusion Temporal o pagkabilanggo mula 12 hanggang 20 taon at multa mula P100,000 hang­gang P500,000.

Subalit kung ang necrophilia ay ginawa ng 2 o higit pang indibidwal ay papatawan ito ng reclusion tem­poral.

Show comments