^

Bansa

Cedula tanggalin na - Chiz

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil wala na ring silbi at hindi na maikokonsi­derang matibay na katibayan ng pagkakakilanlan o “proof of identification”, inihain sa Senado ang panukalang batas na nag­lalayong tuluyan ng tanggalin ang cedula.

Sa Senate Bill 1082 na inihain ni Senator Francis “Chiz” Escudero, sinabi nito na nawala na ang silbi ng cedula o community tax certificate sa pagdaan ng panahon lalo pa’t napakarami ng identification cards mula sa gobyerno ang nagagamit ng mga mamamayan.

Mas matibay na uma­nong patunay ng pagkakilanlan ang passport, driver’s license at iba pang government issued IDs kaya makaka­buting tanggalin na lamang ang cedula dahil ginagastusan pa ng gobyerno ang pagpapa-imprenta nito.

Pinaalala pa ni Escudero na binalewala rin ng mga Filipino ang paggamit ng cedula noong panahon ng mga mananakop na Kastila kaya dapat lamang na ganoon din ang gawin ngayon. 

Ang cedula ay unang ipinatupad sa 19th century tax reform ng bansa noong nasa ilalim pa ng Kastila ang Pilipinas na ibinibigay matapos magbayad ng residence tax.

Noong 1896 pinunit ng mga Katipunero ang kanilang cedula sa pa­ngunguna ni Andres Bonifacio bilang simbolo ng pag-aaklas nila sa Spa­nish rule sa Balintawak.

ANDRES BONIFACIO

BALINTAWAK

CEDULA

CHIZ

DAHIL

KASTILA

KATIPUNERO

SA SENATE BILL

SENATOR FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with