Magagarang damit, alahas sa SONA gustong ipagbawal ni Miriam
MANILA, Philippines - Maghahain si Senator Miriam Defensor-Santiago ng isang resolusyon para magkaroon ng “prescribe official uniform†ang mga miyembro ng Kongreso sa taunang State of the Nation Address ng Pangulo.
Ayon kay Santiago na absent sa SONA, hindi na dapat maulit ang pagdi-display ng magagandang damit at alahas ng mga mambabatas noong Lunes na parang mga endorsers ng mga mamahaling designers.
Ipinaalala ni Santiago sa mga kapwa mambabatas na may batas laban sa “obsession to bling.â€
Ibinigay nitong halimbawa ang Civil Code, Article 25 na nagsasabing: “Thoughtless extravagance in expenses for pleasure or display during a period of acute public want or emergency may be stopped by order of the courts at the instance of any government or private charitable institution.â€
Sinabi ni Santiago na ang bansa ngayon ay nahaharap sa tinatawag na “acute public want†dahil sa mataas na unemployment rate na 7.5% at mataas na underemployment rate na 19.2%. Nahaharap din umano ang bansa sa emergency dahil sa territorial disputes sa China at Taiwan.
Ani Santiago, nanood siya ng TV at hindi niya nagustuhan ang kanyang napanood na parada ng mga mamahaling damit at alahas.
Anya, ang dapat maging highlight ng SONA ay ang Pangulo na magbibigay ng kanyang ulat sa bayan.
- Latest