3 pang Partylist, iprinoklama

MANILA, Philippines - Tatlo pang Party-list groups ang naiproklama ng Commission on Elections (Comelec) bago pa ang pagdaraos ng  State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III at pagbubukas ng 16th Congress, kahapon.

Iprinoklama ng COMELEC Ang National Coalition of Indigenous Peoples Action Na (ANAC-IP); Agbiag! Timpuyog Ilocano, Inc. (Agbiag!) at ang Append Inc. (Append), na siyang pang-54th, 55th, at 56th winning party-list groups.

Nabatid na naisagawa ang proklamasyon nang matapos ng COMELEC ang canvassing ng boto mula sa 44 clustered precincts, na kabilang sa 49 natitira pang clustered precincts.

Dahil sa proklamasyon, napunuan na ng COMELEC ang 56 mula sa 58 congressional seats na inilalaan para sa party-list groups sa 16th Congress.

Kaugnay nito, sinabi naman ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. na hindi pa sila maaaring makapagproklama ng iba pang nanalong grupo kasunod na rin ng status quo ante order (SQAO) na ipinalabas ng Korte Suprema hinggil sa disqualification case ng mga grupong Senior Citizens at Abang Lingkod.

 

Show comments