MANILA, Philippines - Pinatitigil ni Catholic Bishops Conference of the Philippines at Manila Auxilliary Bishops Broderick Pabillo kay Pangulong Noynoy Aqunio ang pagbibigay ng pork barrel funds sa mga mambabatas hanggat hindi natatapos ang imbestigasyon sa P10-bilyong ghost project.
Ayon kay Pabillo, hindi muna dapat isama sa budget proposal sa Kongreso ang priority development assistance fund (PDAF) ng mga Senador na nagkakahalaga ng P200-milyon bawat isa at P70-milyon naman para sa mga Kongresista. Iginiit ng Obispo na ugat ng lantarang korapsiyon ang pork barrel funds kaya dapat itong ihinto ng Pangulo para maging seryoso at hindi biro lamang ang kanyang “daang matuwidâ€.
“Kaya nga ngayon lang nila nadiskubre hindi lang yan ghost project talagang source of corruption ang pork barrel kaya kung tatanggalin yan ay walang masyadong maghahangad na maging congressman o maging Senator. Sila ay gumagastos ng malaki dahil may pinagbabawian sila, dahil malaki ang pork barrel,†anang obispo.
Sinabi ng Obispo na kung seryoso ang pamahalaan sa paglaban ng korapsiyon at maging tuwid ang “daang matuwid slogan†ng Pangulong Aquino ay tanggalin ang cause of corruption. Inihayag ni Bishop Pabillo na matagal na nilang sinasabi na ang mga Congressman at Senador ay tagagawa ng batas at hindi tagapagpatupad ng project na trabaho ng local government units.