Miriam absent sa SONA
MANILA, Philippines - Absent kaagad si Senator Miriam Defensor-Santiago sa unang araw ng sesyon ng 16th Congress at hindi rin ito makakasali sa botohan ng bagong Senate President o kaya ay makakadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni PaÂngulong Aquino.
Ayon sa kampo ni Santiago, hindi pa rin gumagaÂling ang chronic fatigue ng senadora kaya mananatili na lamang ito sa kanyang tahanan sa Hulyo 22.
Pero umaasa umano ang senadora na babalik din sa normal ang kanyang kalusugan matapos siyang payuhan ng kanyang mga doctors sa Cedars Sinai Hospital sa Los Angeles at ng kanyang medical team sa Metro manila na sumailalim ito sa blood test para sa Vitamin D.
Base umano sa ginaÂwang blood test sa St. Luke’s sa Quezon City 17 units lamang ang level ng Vitamin D ni Santiago gaÂyong 30 hanggang 80 units ang normal level.
- Latest