MANILA, Philippines - Posibleng gumagamit umano ng galamay ang mga sindikato ng droga para wasakin ang kredibilidad ng mga opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni PNP Chief Director General Alan Purisima na bagaman patuloy ang imbestigasyon sa mga pulis na pinararatangang nakagawa ng kapalpakan sa operasyon ay hindi niya inaalis ang posibilidad na kumikilos ang malaking sindikato ng droga upang sirain ang imahe ng mga operatiba.
“But before sa labanan ng droga, there are so many people na gustong makialam dito, yun mismong sindikato gusto makialam, gusto nilang sirain yung mga taong (operatives) involved dito para ma-discredit yung mga operatives natin,†ani Purisima.
“They have the money and power to do that,†ayon pa sa PNP Chief kaugnay ng mainit na isyu ng diumano’y bultu-bulto ng shabu at pera na nawawala matapos hindi ideklara ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) .
Una nang lumutang sa isang television station ang isang whistleblower na nagpakilala sa alyas na Junior na nagbulgar na kinulimbat umano ng PNP-CIDG ang tinatayang 80 kilo ng shabu na nakalagay sa isang sako at ang may P15 M hanggang P20 M sa raid sa San Juan City noong Hulyo 13 ng madaÂling araw kung saan naaresto ang puganteng drug lord na mag-asawang Li Lan Yan alyas Jackson Dy at Wang Lin Na.
Bunga ng insidente ay sinibak ni CIDG Director P/Chief Supt. Francisco Uyami Jr. nitong Biyernes ang 19 pulis na sangkot sa operasyon kabilang ang apat nitong opisyal.
Magugunita na ang mag-asawang Jackson Dy kasama ang isa pang drug lord na si Li Tian Hua ay itinakas ng Ozamis robbery gang sa Trece Martirez City, Cavite noong Pebrero 20 matapos na harangin ang convoy ng mga jailguard.