Batas vs age discrimination isinulong
MANILA, Philippines - Isinulong ni Senator Pia Cayetano ang panukalang batas na nagÂlalayong matanggal ang diskriminasyon sa edad tuwing mag-aaplay ng trabaho.
Sa Senate Bill 29, sinabi ni Cayetano na hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa edad kung saan nawawala ang pantay na oportunidad sa mga bagong graduates at mga mas may edad sa kanila.
Nais ni Cayetano na maparusahan ang mga employer, labor contractor o labor organization na magdi-discriminate ng mga indibiduwal dahil sa kanilang edad.
Ipinunto pa ni CaÂyetano na nakasaad sa Konstitusyon na dapat siguraduhin ng gobyerno ang quality ng employment opportunities para sa lahat ng indibiduwal.
Pinuna rin ni CayeÂtano ang mga classified ads, job fairs, billboards at internet kung saan inilalagay ang edad ng mga maaari lamang mag-apply sa trabaho.
- Latest