^

Bansa

Rider, pisak sa dump truck

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang motorcycle rider ang nasawi matapos na makasalpukan ang isang mini-dump truck sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Michael Nicdao, residente ng San Lorenzo Ruiz, San Juan, Taytay, Rizal­, dahil sa pagkakapisak ng ulo nito.

Nasa kustodya naman na ngayon ng mga awtoridad ang driver ng Isuzu dump truck na nakilalang si Raul Escanillan, ng Villa Cua­resma, Brgy.  Pinagbuhatan, Pasig City.

Naganap ang trahedya dakong alas-6:30 ng gabi sa Sandoval Avenue sa Brgy. Pinagbuhatan sa lungsod  ang biktima ay lulan  ng kanyang Kawasaki motorcycle (MC 4424-HY) at bumibiyahe sa lugar nang makasalpukan nito ang mini-dump truck.

Ayon sa ilang saksi, mabilis ang takbo ng motorsiklo kaya’t hindi na nito nagawa pang iwasan ang dump truck.

Dahil sa tindi ng impact nang salpukan ay tumilapon pa umano ang biktima ng ilang metro mula sa pinangyarihan ng insidente na nag­resulta sa kanyang agarang kamatayan.

Ang driver ng mini-dump truck ay nahaharap na sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

BRGY

MICHAEL NICDAO

PASIG CITY

PINAGBUHATAN

RAUL ESCANILLAN

SAN JUAN

SAN LORENZO RUIZ

SANDOVAL AVENUE

VILLA CUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with