MANILA, Philippines - Halos makukumpleto nang punuan ng Department of Education (DepEd) ang 61,510 bagong teacher items na nalikha nitong taong 2013 upang makaagaÂpay sa pagdami ng mga estudyante sa mga public schools sa buong bansa.
Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, hanggang nitong Hulyo 11, ay umaabot na sa 55,848 new teacher items o 90.79% ang kaÂnilang napunuan, dahil na rin sa pinadaling hiring process.
Nabatid na sa ilalim ng dating practice, ang buong recruitment at hiring process ay inaabot ng walong buwan.
Gayunman, dahil sa tulong ng Civil Service Commission at ng Professional Regulation ComÂmission, umikli ang naturang proseso at nga yon ay inaabot na lamang ng limang buwan, habang sa ilang rehiyon at dibisyon ay na-fill up ang mahigit sa kalahati ng kanilang allotted
new teaching posisyon sa loob lamang ng tatlong buwan.
Sinabi ni Luistro na nasa 102,603 new teaching positions ang nalikha sa bansa simula taong 2010 at 91% na aniya nito ay naokupaÂhan na ng mga new hires.