Funrun, Kawang-Gawa, at “Kambyo Kings Day” sa Ika-74 Anibersaryo ng DZRH
MANILA, Philippines - Iba’t ibang aktibidades ang inihanda para sa madla sa pagdiriwang ng Manila Broadcasting Company ng ika-74 anibersaryo ng DZRH sa July 15.
Sa July 9-10, katuwang ng DZRH ang Island ExhiÂbit Links para sa Job Fair na gaganapin sa Mega Trade Hall ng SM Megamall
Ngayong araw, magkakaroon ng feeding program sa Boys Town, Marikina, na susundan ng isa pa para sa mga matatanda, na gaganapin naman sa Pasay City Sports Complex sa July 12
Sa pamamagitan ng Operation Tulong - ang socio-civic arm ng DZRH --isang three-pronged health program ang gaganapin sa Star City sa July 13, na sasaklaw sa medical, dental and optical mission. Nagkaroon din ng medical mission noong July 7 sa Datu Saudi Municipality c/o Mayor Samsudin Dimaucom.
Sa Linggo ng umaga, ika-14 ng Hulyo, gaganapin naman ang Manila Bay Clean-Up Run. Mahigit sa 4,500 runners ang lalahok upang tulungan ang Sunset partnership sa programa ng Land Bank upang linisin ang Manila Bay. Simula naman sa alas-6:00 ng gabi, gaganapin sa Star City ang “Kambyo Kings Day,†kung saan may sticketing at magdamagang videoke ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan hanggang alas-4:00 ng umaga.
At sa July 15, na siyang mismong anibersaryo ng DZRH, magkakaroon ng malaking handaan, na inaasahang dadaluhan ng mga opisyales ng pamahalaan bilang bisita sa mga palatuntunan nina Neil Ocampo (Arangkada Balita mula 5:00 ng umaga), at ng mga beteranong sina Joe Taruc at Deo Macalma (Damdaming Bayan at Isyu) hanggang alas-10:30 ng umaga.
- Latest