MANILA, Philippines - Ang Rehiyon ng Ilokos, MiMaropa, Kanlurang Kabisayaan at Mindanao ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa silangan hanggang timog-silangan ang iiral sa Luzon at mula naman sa silangan hanggang timog-silangan sa Kabisayaan at Mindanao. Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon.
Ang araw ay sisikat ganap na alas-5:33 ng umaga at lulubog ng alas-6:29 ng gabi.