MANILA, Philippines - Inaasahan na ang pagkakaroon ng maulap at maulang weekend sa Metro Manila, Palawan, Visayas at Mindanao.
Sinabi ni Aldzcar Aurelio, weather forecaster ng Pagasa, ito ay dulot ng epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na patuloy na namamayani sa Palawan, Visayas at Mindanao.
Anya, maulan naman ang weekend ng Metro Manila dulot ng wind convergence o pagsasalubong ng hangin. Sa bandang hapon at gabi naman anya ay magkakaroon din ng pag-uulan dulot naman ng thunderstorms.
Sinabi ni Aurelio na bagamat nalusaw na ang low pressure area o sama ng panahon na namataan nitong nagdaang Huwebes, sa ngayon wala naman silang namamataan ng iba pang LPA na papasok sa bansa kayat walang magaganap na bagyo hanggang sa araw ng Linggo.
Maaliwalas naman ang kundisyon ng mga karagatan sa bansa.