^

Bansa

Weekend sa MM, Palawan, Visayas at Mindanao maulan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahan na ang pagkakaroon ng maulap at maulang weekend sa Metro Manila, Palawan, Visayas at Mindanao.

Sinabi ni Aldzcar Aurelio, weather forecaster ng Pagasa, ito ay dulot ng epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na patuloy na namamayani sa Palawan, Visayas at Mindanao. 

Anya, maulan naman ang weekend ng Metro Manila dulot ng wind convergence o pagsasalubong ng hangin. Sa bandang hapon at gabi naman anya ay magkakaroon din ng pag-uulan dulot naman ng thunderstorms.

Sinabi ni Aurelio na bagamat nalusaw na ang low pressure area o sama ng panahon na namataan nitong nagdaang Huwebes, sa ngayon wala naman silang namamataan ng iba pang LPA na papasok sa bansa kayat walang magaganap na bagyo hanggang sa araw ng Linggo.

Maaliwalas naman ang kundisyon ng mga karagatan sa bansa.

ALDZCAR AURELIO

ANYA

AURELIO

HUWEBES

INAASAHAN

INTERTROPICAL CONVERGENCE ZONE

METRO MANILA

MINDANAO

PALAWAN

SINABI

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with