MANILA, Philippines - Nakatakda nang bitaÂyin anumang oras ngaÂyong araw ang 35-anyos na Pinay na pinatawan ng death penalty dahil sa pagpupuslit ng mahigit 6 kilong heroin sa China.
Ayon kay Vice President Jejomar Binay, anuÂmang oras ngayong Martes ay maaaring bitayin ang Pinay kasunod ng isinagawang jail visit at pamamaalam ng kanyang kaanak sa kulungan sa China.
Bunsod nito, muling nanawagan si Binay sa sambayanang Pilipino na ipagpatuloy ang pagdarasal upang magkaroon ng milagro at makaligtas sa kamatayan ang kababayang Pinay.
Sa isang press brieÂfing, sinabi naman ni FoÂreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na nakausap ng may 30-minuto kahapon ng umaga (Lunes) ang bibitaying Pinay ng kanyang ina at isa pang kaanak sa men’s jail sa Hangzhou.
Hiniling din ng ina ng Pinay na mabisita ang kanyang pamangkin na nakakulong dahil din sa drug smuggling. Ang nasabing Pinoy ay ang kasa-kasama ng Pinay na pinatawan ng death penalty subalit ang una ay nabigyan ng 2-taong reprieve dahil sa magandang asal sa piitan.
Ang mag-pinsan ay magugunitang naaresto sa isang paliparan malapit sa Shanghai noong Enero 2011 matapos na madiskubre ng Chinese authorities na may dala silang kilu-kilong heroin sa kanilang bagahe na siyang dahilan upang patawan sila ng death penalty noong nakalipas na taon.
Ayon kay Hernandez, kahapon ay wala pang natatanggap ang DFA na sagot ng China sa liham ni Pangulong Benigno Aquino III kay Chinese President Xi Jinping na humiling na mapababa sa “life imprisonment†ang hatol na bitay sa Pinay na siyang magliligtas sa huli sa tiyak na kamatayan.
Ang note verbal na ipinadala ng DFA hinggil sa kahilingan na commutation of sentence ay maaaring sagutin ng China sa loob ng pitong araw na magtatapos bukas, Hulyo 3.
Sinabi ni Hernandez na bagaman inianunsyo ng China’s Supreme People’s Court na isasagawa ang eksekusyon sa Pinay drug mule simula Hunyo 27 hanggang Hulyo 2, nilinaw nito na hanggang kahapon ay wala pang natatanggap ang DFA na pinal na araw at oras ng pagbitay.