‘People’s FOI Bill’ ihahain ngayon

MANILA, Philippines - Takdang isampa ng Right to Know, Right Now! Coalition ang kanilang bersyon ng freedom of information bill nga­yong Hulyo 1 na siya ring pag­bubukas o simula ng pagtanggap ng mga panukalang-batas para sa dara­ting na 16th Congress.

Pinamagatang “People’s Freedom of Information Bill” ang panukala na isasampa sa ilalim ng probisyon ng Konstitusyon na kilala sa tawag na indirect initiative at suportado ng Republic Act 6735.

Makikipila ang mga miyembro ng R2KRN sa iba pang mga kongresista para sa pagsasampa ng mga panukalang-batas simula pa nitong Hunyo 30 at mapabilang sa mga unang bills na isinampa sa 16th Congress.

Show comments