Pag-upo ng Quezon Rep. pinigil ng Comelec
MANILA, Philippines - Pinigil ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-upo ni Quezon Rep. Angelina Tan matapos na kanselahin ng provincial board of canvassers ang kanyang proklamasyon.
Batay sa resolusyon ng Comelec 2nd Division, naglabas na ng desisyon ang komisyon sa kasong inihain ni Wigberto Tañada kung saan ito ang sinasabing totoong nanalo sa halalan.
Nakasaad sa resolution na, “Wherefore, premises considered the instant petition is hereby GRANTED. The proclamation of Angelina D. Tan as member of the House of Representatives for the Fourth District of the ProÂvince of Quezon is hereby annulled.â€
Inatasan din ng ComeÂlec ang provincial board of canvassers na mag-reconvene upang agad na maipatupad ang mga kinakailangang corrections sa Certificate of Canvassing and Proclamation na kinabibilangan ng pagbibigay ng botong 7,038 ni Alvin John Tañada, Jr. kay Wigberto Tanada, Jr.; ang re-compute ng mga boto para kay Wigberto Tañada at ang pagproklama kay Tañada bilang karapat-dapat na nanalo.
Nabatid na diniskuÂwalipika ng Comelec si Alvin Tañada dahil na rin sa kakulangan ng residency sa kanyang distrito bago ang May elections. Dahil dito, lumamang si Tañada kay Tan ng ilang libo.
Si Tañada ay anak ni dating senador Wigberto Tañada at kapatid ni daÂting Quezon Rep. Erin Tañada.
- Latest