^

Bansa

Dasal na lang sa bibitaying Pinay

Rudy Andal at Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakiusap ang Malacañang sa taumbayan na magdasal upang hindi matuloy ang pagbitay sa Pinay na nahulihan ng droga sa China.

Ito’y matapos hindi bigyan ng clearance ng Chinese government si Vice-President Jejomar Binay para makapunta sa China at iapela sana ang sentensiyang kamatayan sa Pinay drug mule.

Ayon kay Binay, nitong Sabado ay nakatanggap siya ng abiso mula sa Chinese Ministry of Foreign Affairs na tinanggihan ng China ang kahilingan ng pamahalaan na magtungo si Binay sa China kahapon sa layuning makiusap sa mga opisyales ng China’s Supreme People’s Court at personal na ibigay ang “letter of appeal” ni Pangulong Aquino kay Chinese President Xi Jinping.

Sa sinusunod na protocol, kailangang puma­yag muna ang Chinese government sa anumang kahilingang pagbisita ng isang mataas na opisyal mula Pilipinas bago tulu­yang tumulak at bumisita sa nasabing bansa.  

Inatasan ng Pangulo si Binay na tumungo sa China at ihatid ang kanyang liham kay President Jinping para mapababa ang sentensya ng Pinay sa “life imprisonment” mula sa parusang kamatayan.

Dahil dito, malaki ang paniwala ng mga opisyal sa Department of Foreign Affairs (DFA) na matutuloy ang pagbitay sa Pinay ngayong Lunes o Martes.

Sa tala ng DFA, ang nasabing Pinay drug mule ay maka-18 ulit nang nagpabalik-balik sa China kung saan pinakahuli ay naaresto siya ng Chinese authorities noong 2011 nang tangkain niyang ipuslit ang may 6.1 kilong heroin sa kanyang bagahe habang papasok sa international airport ng China kasama ang isa pang Pinoy na lalaki na ginawaran din ng death penalty na may 2-taong reprieve ng nakalipas na taon.

BINAY

CHINA

CHINESE MINISTRY OF FOREIGN AFFAIRS

CHINESE PRESIDENT XI JINPING

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

PANGULONG AQUINO

PINAY

PRESIDENT JINPING

SUPREME PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with