MANILA, Philippines - Paggunita sa pagkakatatag ng isang diocese at pagbibigay parangal sa mga santo ang panahon ng kapistahan. Ito ang paglilinaw ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kung saan kadalasang isinasagawa ang kapistahan dahil sa inuman, kainan at pagkikita ng mga magkakaibigan.
Ayon kay Archbishop Tagle, ang piyesta ay isang uri ng church gathering kaya hindi dapat nahahaluan ng anumang bisyo. Subalit sa pagdaan ng panahon, ang mga piyesta ngayon aniya ay nagiging pagtitipon na lang ng mga mahihilig uminom, mahilig kumain at mahilig sa tsismis.
Binanggit na halimbawa nito ang sinapit ng BaÂyang Israel nang mahulog sa mga pagkakasala at magkawatak-watak. Hinimok ng Cardinal ang lahat ng mga dadalo sa alinmang piyesta na isaalang-alang ang kabanalan ng pagdiriwang at hindi ang puntirya lang ay ang bisyo.