Drug test sa LTO ayaw alisin
MANILA, Philippines - Tinawag na “moÂney making†ni Goerge San Mateo, pangulo ng Pinagisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang drug testing sa Land Transportation Office (LTO) kayat ayaw sundin ni LTO Chief Virginia Torres ang batas na nilagdaan ni Pangulong Aquino hinggil dito.
Alinsunod sa RA 10586 - Anti Drunk and Drugged Driving Law na nilagdaan ni Pangulong Aquino noong Mayo 30, 2013, hindi na sasailalim pa sa drug test ang mga driver na kukuha ng lisensiya at tanging ang mga masasangkot lamang sa aksidente ang sasailalim dito.
Pero sa halip na ipaÂtupad ay nagpalabas pa ng kautusan si Torres sa lahat ng sangay ng LTO nationwide na nagsasabing ituloy ang pagsasailalim sa drug test sa mga kukuha ng lisensiya dahil wala pa raw silang rules and regulations para dito at inaayos pa ng kanyang abogado.
Binigyang diin ni San Mateo na napirmahan na ng Pangulo ang batas kayat wala ng dahilan para isailalim pa sa drug test ang mga driver na kukuha ng lisensiya.
Anya, noon pa man ay kontra na sila sa drug testing dahil gastos lamang ito at walang tulong sa mga motorista.
Una rito, kinastigo ni Sen. Tito Sotto si Torres dahil sa di pagsunod sa nilagdaang batas ng Pangulo. Inakusahan din ni Sotto si Torres na kumikita ito sa drug testing kayat ayaw ipaalis bilang requirements sa pagkuha ng driver’s license.
- Latest