MANILA, Philippines - Bumaba ang bilang ng annulment cases na naitatala ng Simbahang Katoliko.
Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, judicial vicar ng National Appellate for Matrimonial Tribunal at dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), mula 10 hanggang 15 porsiyento ang ibinaba ng bilang ng annulment cases sa bansa sa mga nakalipas na taon.
Karamihan sa mga mag-asawang nagnanais na mapawalang-bisa ang kanilang kasal ay mula sa Metro Manila.
Kaugnay nito, nagpahayag naman nang pagkadismaya ang arsobispo dahil marami sa mga mag-asawa ngayon ay nagsasama na lamang ng walang kasal.
Ito’y posibleng dahil aniya sa trend na kung hindi kasal ang mag-asawa ay maaari rin silang maghiwalay kailanman nila naisin.
“Marriage is more difficult here (Metro Manila) precisely because of the influence of the First World countries which allow divorce and same-sex marriage, among othersâ€, sabi pa ng arsobispo.