COMELEC naghahanda na para sa Brgy., SK elections
MANILA, Philippines - Naghahanda na ang Commission on Elections (COMELEC) para sa gaganaping Barangay at Sangguninang Kabataan elections na isasagawa sa darating na Oktubre 28 ng taong kasalukuyan.
Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes, Jr., limang buwan ang kanilang kailangan para sa paghaÂhanda sa nasabing halalan.
Sa katunayan aniya ay sinimulan na rin nila ang pagbuo ng isang special committee na siyang tututok sa halalan.
Ang naturang komite ay binubuo ng apat na Commissioners sa pangunguna ni Comm. Christian Lim na siyang magsu-supervise sa buong project management office na mag-aasikaso sa buong preparasyon sa halalan.
Sinabi ng poll chief, sakop nito ang registration partikular sa SK polls, pag-imprenta ng balota at pagsasapinal ng calendar of activities na target ilabas bukas (Miyerkules).
Aniya, manu-mano lamang ang Brgy. at SK elections dahil naging malabo ang kinalabasan ng mga pag-uusap ukol sa paggamit ng Precinct Count Optical Scanner (PCOS) sa mga pilot site.
- Latest