15 whitening cream nakakalason
MANILA, Philippines - Umaabot sa 15 uri ng pamputi ng balat na nagkalat sa merkado ay nagtataglay ng mataas na antas na nakalalasong mercury.
Ayon sa EcoWaste Coalition, gawa o galing sa mga Taiwan, Hongkong at Mainland China ang 15 skin whitening creams na may mercury at nabibili sa ilang Chinese drug stores sa Maynila at Quezon City.
Kabilang sa 15 samples na may excessive levels ng mercury ang Yudantang Ginseng and Green Cucumber 10 Days Whitening Speckles Removed Essence; Yudantang 10 Specific Eliminating Freckle Spot and Double Whitening Sun Block Cream; Beauty Girl Egg White and Tomato 6 Days Specific Eliminating Freckle Whitening Cream; Natural Orange Whitening and Anti-Aging Package; Hengxueqian Whitening Set; S’Zitang 10 Days Eliminating Freckle Day and Night Set; S’Zitang 7 Days Specific Eliminating Freckle AB Set; Bai Li Tou Hong Cream; Jiaoli 7 Days Eliminating Freckle AB Set; Gemli Glutathione Hydrolyzed Collagen; Gemli Glutathione Grapeseed Extract Whitening and Anti-Aging; Gakadi; “Special Cream†(1 jar); One product labeled in Chinese characters with red flower and green leaves; at Aichun Beauty Aloe Vera Whitening and Speckle Removing Series.
Sinabi ng EcoWaste na ang 10 sa 15 produkto na nabili nila sa halagang P80 hanggang P320 ay matagal nang ipinagbabawal ng Food and Drugs Administration (FDA), ngunit hanggang ngayon ay available pa rin sa mga ilang foreign drug stores na matatagpuan sa Binondo, Divisoria, Quiapo ay Sta. Cruz, Manila at sa Cubao, Quezon City.
Nagbabala si Aileen Lucero, acting national coordinator ng EcoWaste Coalition, na ang pagkalantad sa mercury sa skin whitening products ay maaaring maka-damage ng kidney, o di kaya’y maging sanhi ng skin discoloration at scarring, bukod pa sa mababawasan ang resistance ng balat sa bacterial at fungal infections.
- Latest