MANILA, Philippines - Walang Pilipinong naiulat na namatay o nasuÂgatan mula sa pamamaril sa Santa Monica sa California noong nakaraang weekend, ayon sa embahada ng Pilipinas sa Washington kahapon.
Sa post nito sa Twitter, nakasaad na sinabi ni Ambassador to Washington Jose Cuisia Jr. na: “(The Philippine) Consulate General in Los Angeles has not received any report of Filipino casualties in (the) Santa Monica shooting.â€
Dagdag nito, sinabi umano ng Philippine Consulate General doon na mayroong “500 Filipino students at Sta. Monica College.â€
Inihayag din ng embahada na sinabi ni Cuisia na patuloy na magbabantay ang konsulada sa Los Angeles sa sitwasyon kaugnay ng pamamaril.
Lima ang patay at apat naman ang sugatan mula sa insidente sa nasabing shooting incident, ayon sa ulat.
Ayon sa ulat ng Cable News Network, nagwala ang isang armadong lalaki at namaril pa ng isang pampublikong bus bago siya mabaril at mapatay ng isang pulis.