‘Alcatraz’ sa Spratly island hindi totoo—DOJ, Palasyo
MANILA, Philippines - Nilinaw ng Malacañang at Department of Jusitce (DOJ) na walang plano ito na magtayo ng katulad na “Alcatraz†o tinatawag na “The Rock†na kuluÂngan sa Estados Unidos matapos mapaulat na may planong magtayo ng penal colony sa Spratly island.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang plano ang Bureau of Corrections (Bucor) na nasa ilalim ng DOJ na magtayo ng penal colony sa Spratly island katulad ng The Rock sa US.
“I spoke with Secretary de Lima when this came up. She said there is no such proposal from BuCor,†paliwanag pa ni Usec. Valte kahapon.
Naunang inihayag ni BuCor Superintendent Venancio Tesoro na ang pagtatayo ng penal colony sa Spratly island ay daan para sa territorial integrity natin sa isla na inaangkin din ng China.
Wika pa ni Tesoro, ito ay magpapaluwag din sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa na sa ngayon ay decongested na.
Sa panukala ni Tesoro, ang dapat itapon sa Spratly island ay ang mga preso na nasa minimum security prison at malapit ng palayain sa loob ng isang taon.
- Latest