^

Bansa

Mga nai-veto na panukalang batas, ire-refile

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kahit tapos na ang 15th Congress hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga matataas na lider ng Kamara sa mga panukalang batas na nai-veto ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay House Majority leader Neptali Gonzales II at Deputy Majority leader Janette Garin ito ay dahil sa maaari pa rin naman itong i-refile sa 16th Congress.

Paliwanag ng dalawa, dahil sa ang mga panukala ay dumaan na sa deliberasyon at sa committee level kayat ang approval kabilang na ang amendment ay maaari nang mapabilis.

Matatandaan na kabilang sa mga nai-veto ni Aquino na hindi naisabatas ay ang centenarian Act,Magna Carta for the poor at ang pagbibigay ng heigh limit sa mga nagnanais na maging pulis.

Isa naman sa nakikitang dahilan ng mambabatas kung bakit hindi ito pinirmahan ng  pangulo ay dahil sa kawalan ng pondo para ipatupad ang mga panukala sa sandaling maging ganap itong batas.

Malaki naman ang paniniwala nina Gonzales at Garin na maisasabatas na ang mga ito kapag muling nagbukas ang sesyon sa Hulyo dahil mapaplantsa na nila ang mga sinasabing mga mali sa panukala.

Blessings in disguise na rin umano ang pagkaka- veto ng Pangulo dahil mayroon pa silang panahon upang ma-perfect ang mga panukalang batas.

AQUINO

AYON

DEPUTY MAJORITY

GARIN

HOUSE MAJORITY

JANETTE GARIN

MAGNA CARTA

NEPTALI GONZALES

PANGULONG NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with