^

Bansa

Petisyon ni Andal Ampatuan Jr., ibinasura ng CA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Court of Appeals Special Second Division ang petisyon ni Andal Ampatuan Jr. na kumukuwestiyon sa desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na tanggapin ang testimonya ng isa sa mga testigo ng prosekusyon sa Maguin­danao Massacre case.

Sa sampung pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Manuel Barrios, ibinasura ng CA ang petition for certiorari na inihain ni Ampatuan dahil sa kawalan ng merito.

Idineklara ng CA na ang testimonya ng testigong si PO1 Rainier Ebus ay admissible o katanggap tanggap bilang ebidensya.

Kumbinsido ang CA na mahalaga ang kinukuwestiyong testimonya ni Ebus dahil maaari itong gamiting batayan para patunayan kung nagkaroon nga ba ng sabwatan o conspiracy sa pagitan ng mga akusado sa Maguin­danao Massacre case.

Ang tinutukoy na testimonya ni Ebus sa nasabing petisyon ay ang inilahad nito sa paglilitis sa korte na noong November 25, 2009 ay nakita niya si Andal Ampatuan Jr. sa pagpupulong na ginawa sa mansyon ni Datu Andal Ampatuan Sr.

Isinalaysay pa ni Ebus na may pagkakataon din na tinanong siya ni Andal Jr. tungkol sa baby armalite na bitbit nito noong panahon na binaril niya ang ilang mga biktima ng Maguindanao Massacre.

Tinukoy pa ng CA na nabigo ang petitioner na patunayang nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ni QC RTC Judge 221 Jocelyn Solis Reyes nang magpasya itong tanggapin ang testimonya ni Ebus.

 

vuukle comment

ANDAL AMPATUAN JR.

ANDAL JR.

ASSOCIATE JUSTICE MANUEL BARRIOS

COURT OF APPEALS SPECIAL SECOND DIVISION

DATU ANDAL AMPATUAN SR.

EBUS

JOCELYN SOLIS REYES

MAGUIN

MAGUINDANAO MASSACRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with