MANILA, Philippines - Makararanas ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng Mindanao laluna ang NorÂthern Mindanao, Zamboanga Peninsula at Caraga region bunga ng isang low pressure area.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical ServiÂces Administration (Pagasa), ang low pressure area na naaapektuhan ng isang intertropical convergence zone ay namataan sa layong 570 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes na nakakaapekto sa Bicol Region, Visayas at Mindanao.
Ayon sa Pagasa, oras na maging ganap na bagyo ang LPA, ito na ang senyales na papasok na ang panahon ng tag-ulan.
Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay maulap ang kalangitan na may paminsan minsang pag-ulan laluna sa hapon at gabi.