^

Bansa

1 pang US warship dumating

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa pang barkong pandigma ng Estados Unidos ang dumating na sa Manila kahapon para sa routine port call.

Ang USS Paul Hamilton (DDG 60) ay isang Arleigh Burke Class guided missile ng US Navy.

“The visit will highlight the strong historic, community and military relations between the United States and the Republic of the Philippines,” anang US Embassy sa isang press statement.

Ang pagbisita ng natu­rang warship ng Amerika ay sa gitna na rin ng tensyon sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas sa Balintang Channel, Batanes matapos na isang mangi­ngisdang Taiwanese ang mabaril at mapatay ng Philippine Coast Guard  noong Mayo 9.

Gayundin sa umiinit na tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas sa agawan ng teritoryo sa Spratly Islands.

Habang nasa port call visit ay magre-refuel ang Paul Hamilton at magdadagdag ng mga supplies habang ang mga crew naman nito ay mabibigyan ng pagkakataon na mag-relax at mag-community service sa Manila American Ce­metery and Memorial sa Fort Bonifacio.

Ang naturang barko ay may 300 crew kabilang ang 24 Filipino-American na dadalaw rin sa kanilang mga pamilya sa bansa.

Ang Paul Hamilton ay ipinangalan sa ikatlong Secretary of the Navy ng US na na-commissioned noong 1995 sa US Naval Station sa Charleston, South Caroline na nakabase sa Pearl Harbor, Hawaii.

Sumusukat ang barko ng 500 talampakang haba, kayang maglaman ng 8,300 tonelada at  may bilis na mahigit 30 knots.

ANG PAUL HAMILTON

ARLEIGH BURKE CLASS

BALINTANG CHANNEL

ESTADOS UNIDOS

FORT BONIFACIO

MANILA AMERICAN CE

NAVAL STATION

PAUL HAMILTON

PEARL HARBOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with