^

Bansa

35 illegal dormitories sa UP ipasasara

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipasasara ng pamunuan ng Department of Building Official ng QC ang 35 illegal dormitories na sakop ng University of the Philippines sa Diliman, Quezon City.

Ayon kay building official head Isagani Versoza, nabigyan na nila ng notice to comply noong nakaraang taon ang mga may-ari ng naturang mga dormi­toryo pero apat lamang sa mga ito ang tumugon sa kanilang abiso.

Anya, delikado sa mga mag-aaral ang manatili sa lugar dahil sa hindi pagsunod sa fire code ng mga may ari ng dormitories at malamang na ma-trap ang mga mag-aaral na tumitira doon kapag nagkasunog dahil sa makikipot na daan.

Bunga nito, inaasahan na nasa isang libong mag-aaral ng UP Diliman ang maapektuhan sa sandaling maipasara nila ang naturang mga dormitoryo sa Bgy. Krus na Ligas sakop ng UP.

Binigyang diin ni Versoza na ngayong linggong ito na lamang ang kanilang palugit at kapag hindi pa rin umaksiyon ang mga dorm owners ay tuluyan na nila itong ipasasara para na rin sa kaligta­san ng mga estudyante na nangungupahan doon.

ANYA

AYON

BGY

DEPARTMENT OF BUILDING OFFICIAL

DILIMAN

ISAGANI VERSOZA

QUEZON CITY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with