Benepisyo ng 8 SAF men tiniyak
MANILA, Philippines - Tiniyak ni DILG Secretary Mar Roxas na matatanggap ng pamilya ng mga nasawing pulis sa Cagayan ang karampatang benepisyo sa kanilang serbisyo publiko.
Kasabay nito, kinilala ni Roxas ang walong miÂyembro ng Special Action Force (SAF) bilang mga ‘bayani ng sambayanan’.
Ayon sa kalihim, bawat pamilya ng mga pulis na biktima ng ambush nitong Lunes sa Allacapan, Cagayan ay makatatanggap ng P250,000 mula sa President’s Social Fund, P141,000 hanggang P181,000 mula sa PNP-SAF, pagpapaliÂbing na halagang P50,000 at gratuity na P203,000 mula sa National Police Commission (Napolcom).
Aniya, may kabuuang P1.5 hanggang P2 milyon ang kabuuang benepisyo na makukuha ng bawat pamilya, hiwalay pa ang P15,000 buwanang pension habang nabubuhay ang benepisyaryo at katumbas na halaga sa loob ng limang taon mula sa Napolcom.
Ang mga nasawing pulis mula sa SAF ay sina Police Officers 2 Dexter Cubilla, Angelbert Mateo, Elmark Rodney Pinated, Jonnel Bowat at Ronald Castulo; Police Officers 1 Erick Brioso at Jerome Sanchez; at ang team leader na si PO3 Vladimir Tabarejo.
Nasugatan naman at kasalukuyang nagpapaÂgaling sa ospital ang mga kasamahan nilang sina PO2s Ronald Gomez, Geopano Adangui, Ricky Monay, Jeofrey Liagao Amiligan at Jeofrey Elasco at PO1s Ephraim Dolete at Ryan Asunio.
Makatatanggap din sila ng tulong medical na P170,000 bawat isa.
- Latest