Batas vs pagmamaneho ng lasing, naka-droga: Pirmado na ni PNoy
MANILA, Philippines - Nilagdaan na ni PaÂngulong Aquino ang batas na nagpapataw ng parusa sa mga laÂsing at nasa ilalim ng ipiÂnagbabawal na gamot habang nagmamaneho ng mga sasakyan.
Pinirmahan ng PaÂngulo ang Republic Act 10586 nitong Mayo 27, 2013 kung saan batas na ang pagbabawal na magmaneho habang lasing sa alak at lango sa droga.
Sa ilalim ng RA 10586 ay mandatory na ngayon ang pagsailalim sa alcohol at drug tests ng mga driver na nasasangkot sa aksidente.
Nakasaad pa sa baÂgong batas na ang mga mapapatunayang lumaÂbag dito ay papatawan ng multa na hanggang P500,000 at pagkakakulong na hanggang sa reclusion temporal kung nasawi ang biktima sa aksidente.
“If someone is caught and is proven to have been driving under the influence of alcohol or dangerous drugs, if the violation did not result in physical injuries or in death, the penalty is imprisonment of three months and a fine ranging from 20,000 pesos to 80,000 pesos. The fines get heavier if the violation results in physical injury. The fine goes up to 100,000 to 200,000 and, also, the imprisonÂment—the penalty for imprisonment also goes up. If the violation involves homicide, the fine goes up to 300,000 to 500,000 as well as the penalty for imprisonment,†wika ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.
- Latest